-Alexi-

SINALUBONG ko ang mapanuring titig ng naka mask na VIP. Behind his mask was his scrutinizing eyes. And I'm not afraid enough to meet them bravely. Siniguro kong walang emosyon ang nababasa sa aking mukha. Ito lamang ang tanging sandata ko ngayon. To mask my fear. I've been through a lot than this. If they only knew. Ang dalawang bantay ay nakatayo sa magkabilang gilid ko, nagbabantay dahil maaaring bigla akong tumakas. As if their gun tucked on their waists aren't enough warning to myself I shouldn't do anything that will displease them.

"Stand, lady" the man from the screen commanded. I obeyed despite the uneasiness from the stare of the two guards behind their shades. I rested my trembling hands at the side. I looked helpless. A lady in a little black dress, skin exposed, heavy makeup caked on —trapped in a house with two armed men and a man barking orders from a screen. Any possible bad things that might happen surged into my mind that I couldn't shrug off.

"You," the man on the screen said, his head jerking towards the guard to my right, a few steps away. "Put her hair on the back"

I squeezed my eyes shut as my heart rammed against my chest, like a frantic bird struggling to escape. All of my hair from my skin rises. Panic slowly eating me up but I couldn't do anything aside from staying frozen. Naramdaman ko ang paglapit ng guwardiya sa tabi ko at ang simpleng pagdikit ng kanyang kamay sa aking balat ay tila isang dulo ng apoy sa kandila na nakakapaso. My hair was parted on both sides of my shoulders to cover my exposed upper chest. Now that my hair was pushed aside on the back, I felt naked.

Pinigil ko ang mga luhang gustong tumakas. These people doesn't deserve my tear duct. I felt so low.

Hindi na kami nagtagal sa silid na 'yon. Baka hindi ko na kayanin at kusa nang bumigay ang mga tuhod ko kapag nagtagal pa kami doon. Tila bawat segundong lumilipas na nandoon ako ay parang pinipiga ang aking lalamunan, it's suffocating. Pinabalik nila ako sa sasakyan. I wanna thank myself for cooperating because I didn't break down in front of them. But the moment I sat inside, the tears flowed freely. Ilang segundo ang lumipas at lumabas na naman ang nakakahilong amoy.

Para akong hinehele nito hanggang sa tuluyang magdilim ang aking paligid.

I woke up to the soft pressure of something beneath my back. I half opened my eyes, letting my sight adjust to the unfamiliar surroundings. Dahan dahan akong bumangon. Nasa isa akong kwarto. Sakto lamang ang laki nito. Maayos at kumportableng tulugan. At my side is a lamp, casting a soft glow on the whole room. Hindi ito kagaya ng kwarto sa women's quarters. May carpet ang sahig at may sofa sa gilid. The bed I lay on has thin curtains on each sides.

What am I doing here?

Maya maya'y bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang babaeng isa sa nag-ayos sa akin. Her expression tells me she dislikes me but was forced to give me assistance. "Gising ka na pala" sambit nito. Nilapag niya ang nakatuping damit sa dulo ng kama. "Ayan ang mga damit mo. Magpalit ka na. Nandoon ang banyo" tinuro nito ang isang pinto sa sulok. I give her a slight nod as acknowledgement. "Mamaya nalang ihahatid ang pagkain mo dito"

Iyon lamang ang sinabi niya at sinara ang pinto. Tumayo ako at kinuha ang damit na dala niya saka nagtungo ng banyo. Nagpalit ako doon at naghilamos. I'll never be comfortable in this clothing so I'm secretly thankful they're considerate enough to lend me pair of clothes. Mas maayos ito sa sinusuot ko sa pang-araw araw. It's a pair of shirt and leggings in knee length.

Pagkatapos maghilamos ay naupo lamang ako sa dulo ng kama, nakatitig sa blangkong pader. I knew they'd locked me here. I didn't waste my energy to bang the door, demanding to be released. Marahil dito ako mananatili hanggang sumapit ang bukas. Hindi na rin ako nagtanong ng kahit ano. Alam ko naman ang kahihinatnan ko bukas. The moment I swapped myself from Fare's appointed fate, I made a choice.

Bumukas ulit ang kwarto at pumasok ang babae kanina na naghatid ng mga damit sa akin. Nilapag nito sa side table ang nakatakip na mangkok at bottled water. "Bawal ka maging bloated kaya ayan muna ang magiging hapunan mo"

Tumango lamang ako sa kanya bilang tugon. Naalala kong hindi pa nga pala ako kumakain. Maghapon kaming nagtrabaho at nawala na sa aking isipan ang pangangalam ng sikmura ko. Nang lumabas ang babaeng naghatid ay lumapit ako sa side table. I opened the bowl. It's just a slice of apple, banana and lettuce. I let out a waery sigh. I hoped they weren't treating me like a model with strict food diet. Hindi ko alam kung sapat ang pagkaing ito para maibsan ang gutom ko.

Still, I took one slice of apple and shoved it into my mouth. It's better than nothing.

There's no window here so when I woke up, I don't know if it's still night or morning. My guess tells me it's morning because I've slept more hours than I usually does. The bed is comfortable but it did little to ease the growing terror from my impending death. Tumayo ako at naghilamos sa banyo. Lumipas ulit ang panibagong maghapon na nakakulong lang ako sa silid. Dinadalhan nila ako ng pagkain na sapat na din pantawid gutom. Hinihintay ko na lamang na sumapit ang gabi kung saan ihahanda nila ako para sa laban mamaya sa arena.

At dumating ang oras na 'yon.

"Kailangan ikaw ang pinaka magandang contestant mamaya" sambit ng nag-memake up sa akin. I heard her friend called her Macy. Blanko lamang ako nakatingin sa sarili kong repleksyon, nakikinig sa mga side comment nila at ilalabas din sa kabilang tenga. Kumpara kagabi, mas marami silang nilalagay sa mukha ko. They made my straight hair styled into soft curls. "Sisiguraduhin kong maraming pupusta sa'yo"

Pustahan. 'Yan ang tingin nila sa mga taong nandoon habang nakikipaglaban sa kamatayan. The word made my fists clenched.

"Huwag mong ipakitang natatakot ka. Chill ka lang dapat. Balita ko, maraming VIP ang manonood ngayong gabi" sabat ng isang nag-aayos sa buhok ko. I don't know if these ladies are still in their right mind for them to tell me that. I don't think anyone would afford to chill knowing they're gonna die in the end with people betting on their demise.

Natapos ang dalawang nag-aayos sa akin. Lumabas ang isa at naiwan si Macy. Pumunta ito sa likuran ko at inayos ang aking buhok. Pinagparte niya ito sa magkabilang side ng aking balikat. She leaned closer and level her face to mine as we're both staring at the mirror. "Maganda ang ayos mo ngayon" she said with a slight curve of her lips. "Pero balewala naman dahil mamamatay ka lang din"

She let out a laugh as if she cracked a humorous joke. If she meant to trigger me, making me trembled by those words, I didn't give her the expression she wanted. My face remained neutral. Hinayaan ko lang itong tumawa hanggang makarecover ito. Tinapik niya ako sa magkabilang balikat bago lumabas ng silid. Tinuro nito ang nakasampay na dress sa hanger.

"Yan nga pala ang dress na susuutin mo. Bilisan mo magbihis. Babalikan ka namin dito pagkatapos ng limang minuto"

My eyes moved to the red dress. It was the same dress that the women sitting on the balcony wore. They were stiffened on their seats as a gun leaned on their temple. Gano'n din ang mangyayari sa akin mamaya.

___

Nandito kami sa backstage. I could imagine how the people screaming their lungs out to show their excitement on this event. Ayon kay Macy, ang huling laban ay tatlong buwan na ang nakakalipas bago masundan ngayong gabi. The blatant sound was muffled by these plywoods painted in black. Kung wala ang mga harang na ito'y mabibingi na kaming lahat sa ingay. Nandito si Madam Elektra. She's standing before us, delivering what she apparently considered encouraging words—words that I wanna laugh of. Habang nagtatagal ako sa lugar na to'y pabaliw ng pabaliw ang mga taong nakakasalamuha ko.

"Huwag kayong kakabahan. Kung sino man ang matirang buhay sainyo, malaki ang perang maiuuuwi. Isipin nyo lang na peke ang baril na nakatutok sainyo" sambit ni Madam Elektra bago nagbuga ng usok mula sa paghithit niya ng sigarilyo.

The women I am with have no glint of excitement showing on their faces. Only one word can describe what they're feeling. Terrified. We're seven. I thought there were only six players and six women, but they made it seven. I'm the seventh contestant. This dress I was wearing was far shorter than the one I'd worn last night. It's so strapless and tight that I can't even breathe properly. It hugged my curves. They partnered it uncomfortable high heels.

Matapos ang walang saysay na speech ni Madam Elektra ay iniwan na kami nito. She went to the group of folks that I assumed was in charge for music and lightning because of their headsets. Ilang minuto na lamang magsisimula na kaming ilabas sa stage. I excused myself to use the bathroom. I heard Macy said from my back "bilisan mo"

Nang mahanap ang banyo ay agad akong pumasok doon. I pressed my chest, trying to slow my racing heart. I'd been anxious for hours and feared to get a heart attack. Sa pagtingin ko sa aking repleksyon ay para ulit akong ibang tao. I inhaled and exhaled, attenpting a quick calming exercise. I was about to leave but I heard two people murmuring outside. Saglit muna akong nanatili sa likod ng pinto ng banyo at nakinig sa kanila.

"Madam, may problema tayo" boses ng isang lalaki.

"Ano na naman 'yan?" Sunod na nagsalita si Madam Elektra. Naiinis ito. "Magsisimula nalang ang palabas ngayon ka pa nagbabalita ng ganyan"

"Y-yung partner po kasi ng pang number 7. Nawawala. Mukhang hindi na siya dadating. Wala pa tayong pang-sub sa kanya"

"Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

"H-hindi ko po kasi alam paano sasabihin sainyo--"

Nakarinig ako ng malakas na pagsampal. Mukhang galing 'yon sa kamay ni Madam Elektra. Tumaas na ang boses nito. "Napakabobo mo talaga! Alam mo bang isa sa mga VIP ang nag request kay contestant no. 7?! Malaking halaga ang itinaya niya sa kanya. Kapag namatay ang babaeng 'yon parehas tayong malalagot alam mo ba yon?!"

"Patawad po madam, gagawan ko po ng paraan"

"Malakas ang partner ni contestant no. 4. Siya ang nanalo noong nakaraang sparring. Kapag hindi mo nahanapan ng kapareha si contestant no. 7, huwag mong asahang masisinagan ka pa ng araw bukas"

Wala na akong naririnig na boses kaya alam kong umalis na sila. I closed my eyes and took a deep breath, now my hands get colder than earlier. I already foresaw it. Isa ako sa mamamatay ngayong gabi. Instead of entertaining the fear clawed at me, Fare's face flashed on my mind. She may not my sister by blood but I'm glad that I got to save her. Lumabas na din ako sa banyo at bumalik sa pwesto ko kanina.

Nakahilera kaming pito at may mga babaeng lumapit sa amin para iretouch ang aming ayos. Macy dusted my face with powder, its soft brush caressed my skin.

Maya maya'y may dumating na mga lalaking naka black attire. Sinundo nila kami sa backstage. Their intimidating presence sent shivers down my spine. They pinned a badge on the side of our arm. A coiled rope hung at their hips. May nilabas silang ducktape at dinikit 'yon sa aming bibig.

Tig-iisang nakablack attire ang humawak sa amin. Ang nakahawak sa akin ay kinaladkad ako at tila walang pakialam kung matapilok ako dahil sa taas ng aking heels. Madilim na parte ang nadaanan namin at naramdaman ko nalang na umaakyat kami sa hagdan. I can't see anything since everything is black. I only heard a metallic screech coming from an opening door. Nang bumukas ito'y nakita ko ang glass balcony. Sa harap no'n ay may puting upuan. There were seven chairs awaited. They upgraded its design. Hindi na ito monoblock. It's a wooden chair crafted with gold linings, cushioned with foam.

Sa paglabas namin sa dilim ay doon bumulaga sa akin ang nakakabinging ingay na sigaw ng mga tao. Sumasayaw ang puting spotlight sa buong ring. Parang isang Olympic game ang dinaluhan nila at ang laban na ito ay isang beses lang mangyayari sa buong kasaysayan kaya hindi nila maaaring palampasin. Kumpara sa huling punta ko dito sa arena, mas dumami ang mga tao. All of the seats were filled.

The man in black attire beside me yanked my arm, forcing me to sit. Nilagay nito ang dalawang kamay ko sa sandalan ng upuan at tinali ang kamay ko doon. Nilibot ko ang tingin sa paligid. My breath caught in my throat as I spotted Fare, sitting beside Raye. Nasa pinakaharap sila kaya kahit malayo ay abot padin sila ng paningin ko.

Fare's worried eyes met mine, her face etched with concern. Raye, however, remained no reaction. She wasn't sad or excited like she had been during our previous visit together.

Maya maya'y lumabas si Joker. Madali lang siya ma iispotan ng iyong mata dahil sa matingkad na kulay green na buhok nito. Pasayaw sayaw itong lumabas sa ring na sinamahan ng tugtog. His foot synced with a rhythm of music. The cunning host.

After a brief special dance number entrance, he snapped his finger to stop the music like maestro. Silence fell. Tumingala ito at iniunat ang malawak na ngiti sa kanyang labi para ipakita ang ngipin niyang gawa sa ginto. Tinaas nito ang dalawang kamay at sumigaw ng malakas.

"Lahat ay mag-ingay!"

The crowd roared louder.

Ginawa niya ulit ang paghahype na ginawa niya noong nakaraan dito sa arena. He shouted 'Ayo!' and the crowd responded back. Sa itaas ay bumukas ang malaking TV screen. The same screen I'd seen 3 months ago. A soft flicker appeared before the VIPs full masked face shown on the screen. Kumpara noong nakaraan ay mas dumaming VIP ang umattend ngayon. All seemingly participating in a virtual online conference.

"Tonight is a very special event" the blaring noise of the music momentarily softened when he started speaking. "May mga bago tayong VIP na nais ding makinood sa espesyal na laban sa gabing ito"

I tuned him out of my ears, skipping to listen like what I always do. It's all senseless. After a dramatic bow, he exited from the ring. Maya maya'y bumalik ulit ang maingay na tugtog na halos mailuwa ang puso ko mula sa dibdib sa sobrang lakas. The fighters finally made their entrance. Nakakapagtaka lang na nauna si Joker magpakita bago sila. There's something new on their appearance. They have black tattoo or whatever ink they put to write a number on their backs.

My heart skipped beating for a moment when I saw they were only six. We're seven ladies here.

Tumunog ang gong, indikasyon ng pagsisimula ng laban.

Each of the fighters set themselves in fighting mode, knives gripped fiercely in their hands. Nakatakip padin ng puting tela ang mukha nila. Abot 'yon hanggang leeg at tanging dalawang butas lang para sa mata ang meron. They're starts circling to each other, assessing who's the first fighter they're going to attack. Sa pagsisimula ng laban ay naramdaman ko ang malamig na bagay na nakadikit sa sintido ko. The texture of that object made me paralyzed, preventing me to move even an inch. Para akong nakababad sa yelo na hindi maigalaw ang katawan. Maingay sa buong arena ngunit ang tanging naririnig ko lang ay kabog ng aking dibdib.

Will this man pull the trigger? Six fighters are battling below and none for me. Seven contenders were supposed to be there.

Nakita ko ang pagtayo ni Fare. Bumubuka ang bibig nito, senyales na sumisigaw siya kahit nalulunod 'yon sa mga sigaw ng mga tao. Tears flowing down her face as Raye trying to calm her down by urging her to sit back.

Ngumiti lamang ako sa kanya kahit hindi ko sigurado kung nakikita niya 'yon.

I blinked, confused by a sudden blur of my vision before it registered to me that it caused by my own tears. Hanggang sa nakarinig kami ng putok ng baril. Nahigit ko ang aking paghinga nang makita sa gilid ng mata ko ang pagtumba ng babae. Katabi ko siya at isang metro lamang ang layo niya sa akin. Ramdam ko ang pagtalsik ng dugo nito sa leeg na umabot din sa gilid ng aking mukha.

Nang bumalik ang tingin ko sa ring ay nakita kong nakatayo sa harap ni Fighter 2, (na siyang nakabulagta sa sahig) si Fighter 4. Hawak nito ang kutsilyong may dugo, indikasyon na siya ang sumaksak sa kanya. Ang ibang mga fighter ay bahagyang napaatras. Pinalibutan nila si Fighter 4. Ayon sa aking narinig mula kina Madam Elektra ay siya daw ang pinaka malakas. Nagpatuloy ang kanilang laban at hindi alintana ang bangkay na naglalawa ang dugo sa ringfloor.

Nagkakagulo na sa ring. Nagkasundo ang ilang mga fighter na pagtulungan si Fighter 4. Ilang minuto ang lumipas at nakarinig ulit kami ng putok ng baril. Tinarak ni Fighter 4 ang kutsilyo sa leeg ni Fighter 3. Gaya ni Fighter 2 ay bumagsak din dito sa sahig. Lumilipas ang oras. Tanggap ko ang magiging resulta ngayong gabi ngunit umaasa padin akong may mahahanap silang kapareha ko. I don't want to die without a fight.

Habang patuloy ang pagdanak ng dugo sa ring ay may isang lalaki ang pumasok. He made an aggressive entrance. Even his face is covered, you can see the fire kindled in him. The ink written on his back is no. 7. Noong mga sandaling 'yon ay nagkaroon ako ng pag-asa. He carried a knife. Sa pagpasok nito'y hinila niya ang isang lalaki, si Fighter 1, mabilis ang pangyayari, sa paghila niya'y inambahan niya ito ng suntok sa panga. Natumba siya at agad na tumayo ngunit sa pagtayo niya'y, siyang pagsaksak sa kanya ni Fighter 7 sa dibdib, direkta sa kanyang puso. Mapapansin ang pagkagulat ng ilang mga fighter dahil hindi nila napansin ang kanyang pagdating.

Fighter 4 stared at him as if he had found another enemy he needed to focus on defeating. Ang tanging nanatili nalang nakatayo ay dalawa. Si Fighter 4 at Fighter 5.

"Ladies and gentlemen..." Saglit na natahimik ang lahat dahil sa boses ng host. "We've got a special guest fighter here tonight to save his girl!" His voice rang with joyous excitement.

"So with that..." The host went on. "Let's add a little twist, shall we?" saka ito humalakhak ng malakas. Hindi ko maiwasang mapalingon sa gilid dahil sa mga yabag na narinig ko at impit na sigaw mula sa taong nagpupimiglas. My eyes widened in shock as six ladies emerged from the darkness.

Nadagdagan ang mga upuang nilagay dito sa harap ng balcony. Inalis ang katabi kong babae na nabaril kanina at pinalitan ng bakanteng upuan. Inupo ng lalaking nakablack attire ang babaeng nakabihis din gaya ng samin. Red dress with heavy make up. Nakaduct tape ang bibig nila at tinali ang mga kamay sa likod ng upuan. What's going on?

Bumalik ang tingin ko sa ring. Anim ding mga lalaki ang pumasok. Nakatakip ng puting tela ang mga mukha at iba't ibang patalim ang hawak. May mga number ding nakasulat sa likod nila. Fear choked me as I saw the hammers, axes, and butcher knives in their hands. Malalaki din ang katawan nila at matatangkad. Bakit may mga nadagdag na fighter?

Dahil may nadagdag na anim ay siyam na ngayon ang nasa loob ng ring. Ang walong fighter ay pumalibot kay Fighter 7. I was clueless about the twist but as I saw their postures, it revealed their one main goal—to eliminate Fighter 7.

Fighter 7 set his stance ready. Ang sunod nitong ginawa ang nagpalakas ng kabog ng aking dibdib. Tinanggal niya ang puting telang nakatakip sa mukha at initsa sa gilid. Now I was able to see his face.

Reigan...

************

Thanks for reading!